Patakaran sa Pagkapribado
Ang pagprotekta sa inyong pribadong impormasyon ay aming prayoridad. Itong Pahayag ng
Pagkapribado (Statement of Privacy) ay nalalapat sa Leapcure at namamahala sa pagkolekta at
paggamit ng datos. Para sa mga layunin nitong Patakaran sa Pagkapribado, maliban na lang
kung binanggit, ang lahat ng mga sanggunian sa Leapcure ay kasama ang Leapcure.com. Ang
Leapcure ay isang web application. Sa pamamagitan ng paggamit ng web application ng
Leapcure, sumasang-ayon kayo sa mga kasanayan sa datos na inilarawan sa pahayag na ito
1. Pagkolekta ng inyong Personal Na Impormasyon
Nangongolekta ang Leapcure ng personal na pagkakakilanlang impormasyon, gaya ng inyong
pangalan at email address. Ito ang impormasyong ibinibigay ninyo sa amin kapag kinukumpleto
ang form sa pakikipag-ugnayan sa amin o kapag nagsa-sign up para sa serbisyo. Maaari
kaming magtipon ng karagdagang personal o hindi personal na impormasyon sa hinaharap.
Ang impormasyon tungkol sa hardware at software ng inyong kompyuter ay maaaring
awtomatikong kolektahin ng Leapcure. Maaaring kabilang sa impormasyong ito ang: inyong IP
address, uri ng browser, mga pangalan ng domain, oras ng pag-akses at pagsangguni sa mga
address sa website. Ang impormasyong ito ay ginagamit para sa operasyon ng serbisyo, upang
mapanatili ang kalidad ng serbisyo, at upang magbigay ng mga pangkalahatang istatistika
tungkol sa paggamit ng web application ng Leapcure. Hinihikayat kayo ng Leapcure na rebyuhin
ang mga pahayag sa pagkapribado ng mga website na pipiliin ninyong i-link mula sa Leapcure
para maunawaan ninyo kung paano kinokolekta, ginagamit at ibinabahagi ng mga website na
iyon ang inyong impormasyon. Ang Leapcure ay hindi mananagot para sa mga pahayag sa
pagkapribado o iba pang nilalaman (content) sa mga website sa labas ng Leapcure web
application.
2. Paggamit ng inyong Personal na Impormasyon
Kinokolekta at ginagamit ng Leapcure ang inyong personal na impormasyon upang patakbuhin
ang web application nito at ihatid ang impormasyon at mga serbisyong inyong hinihingi. Maaari
ring gamitin ng Leapcure ang inyong personal na pagkakakilanlan na impormasyon para
ipaalam sa inyo ang iba pang mga produkto o mga serbisyong makukuha mula sa Leapcure at
mga kaanib nito. Maaari ring makipag-ugnayan sa inyo ang Leapcure sa pamamagitan ng mga
survey upang magsagawa ng pananaliksik tungkol sa inyong opinyon sa kasalukuyang mga
serbisyo o sa potensyal na bagong mga serbisyo na maaaring ialok. Ang Leapcure ay hindi
nagbebenta, nagpapaarkila o nagpapaupa ng mga listahan ng kustomer nito sa ikatlong mga
partido. Maaaring ibahagi ng Leapcure ang datos sa pinagkakatiwalaang mga kasosyo para
tumulong na magsagawa ng pag-aanalisa ng istatistika, magpadala sa inyo ng email o postal
mail, magbigay ng suporta sa kustomer o mag-ayos ng mga paghahatid (deliveries). Ang lahat
ng naturang ikatlong partido ay binabawalang gumamit ng inyong personal na impormasyon
maliban sa pagbibigay ng mga serbisyong ito sa Leapcure, at kinakailangan nilang panatilihin
ang pagkakumpidensyal ng inyong impormasyon. Ibubunyag ng Leapcure ang inyong personal
na impormasyon, nang walang abiso, kung kinakailangan lamang na gawin ayon sa batas o sa
matibay na paniniwalang ang naturang aksyon ay kinakailangan upang: (a) sumunod sa mga
utos ng batas o sumunod sa legal na prosesong inihahain sa Leapcure; (b) protektahan at
ipagtanggol ang mga karapatan o ari-arian ng Leapcure; at, (c) kumilos sa ilalim ng mga
kinakailangang (exigent) pangyayari upang protektahan ang personal na kaligtasan ng mga
gumagamit (users) ng Leapcure, o ng publiko.
3. Seguridad ng inyong Personal na Impormasyon
Sinisiguro (Secure) ng Leapcure ang inyong personal na impormasyon mula sa hindi
awtorisadong pag-akses, paggamit o paghahayag. Iingatan namin ang lahat ng nabanggit na
impormasyon sa itaas na nakolekta mula sa mga indibidwal sa aming ligtas na database ng
TLS/SSL na naghihigpit sa pag-akses sa mahahalagang indibidwal at pinoprotektahan ng
password.
4. Mga Batang Wala Pang Labintatlo
Ang Leapcure ay hindi sadyang nangongolekta ng impormasyong nagbibigay ng personal na
pagkakakilanlan mula sa mga batang wala pang trese anyos. Kung kayo ay wala pang trese
anyos, dapat kayong humingi ng pahintulot sa inyong magulang o tagapag-alaga na gamitin
ang web application na ito.
5. Bawiin (Opt-Out) at Umalis sa pagkakarehistro (Unsubscribe)
Iginagalang namin ang inyong pagkapribado at binibigyan kayo ng pagkakataong bawiin (opt-
out) ang pagtanggap ng mga anunsyo ng partikular na impormasyon. Maaaring mag opt-out
ang mga user sa pagtanggap ng anuman o lahat ng komunikasyon mula sa Leapcure sa
pamamagitan ng pag-email sa info@Leapcure.com.
6. Mga Pagbabago sa Pahayag na ito
Paminsan-minsan ay ia-update ng Leapcure ang Pahayag ng Pagkapribado na ito para ipakita
ang feedback ng kumpanya at kustomer. Hinihikayat po kayo ng Leapcure na regular na
rebyuhin itong Pahayag upang malaman kung paano pinoprotektahan ng Leapcure ang inyong
impormasyon.
7. Paano Makipag-ugnayan sa Amin
Kung gusto ninyong higit na matutunan ang tungkol sa Leapcure, mangyaring mag-email sa
amin sa info@leapcure.com o bisitahin ang aming website (www.leapcure.com) upang humingi
ng impormasyon.
Mga Tuntunin ng Paggamit
Ang sumusunod na mga tuntunin at kundisyon ay bumubuo ng isang kasunduan sa pagitan ninyo at ng
Leapcure, Inc (“Leapcure,” “kami,” o “tayo”), ang operator ng www.Leapcure.com (ang “Site”). Ang
kasunduang ito ay namamahala sa inyong paggamit ng Site, pareho bilang isang nagkataon na bisita at
bilang isang rehistradong gumagamit. SA PAGGAMIT NG SITE, AT/O SA PAGPAPAREHISTRO SA AMIN,
IPINAHAYAG NINYO NA SUMASANG-AYON KAYO SA MGA TUNTUNIN NG PAGGAMIT NA ITO, kasama
na sumasang-ayon kayo sa mga kasanayan sa impormasyon na inihayag sa aming Patakaran sa
Pagkapribado, na isinama dito sa pamamagitan ng sanggunian (reference). Pakitandaan na inaalok namin
ang Site "BILANG ITO (AS IS)" at walang pangako (warranties). Ang lahat ng impormasyong kinokolekta
namin sa Site ay napapailalim sa aming Patakaran sa Pagkapribado. Sa paggamit sa Site, sumasang-ayon
kayo sa lahat ng mga aksyon na ginawa namin na may kinalaman sa inyong impormasyon bilang pagsunod
sa Patakaran sa Pagkapribado.
1. Pagiging Karapat-dapat ng User
Edad at Tirahan: Ang Site ay magagamit lamang sa, at maaari lamang gamitin ng, mga indibidwal na 18
taong gulang at mas matanda na maaaring bumuo ng mga legal na may bisang kontrata sa ilalim ng
naaangkop na batas. Sa panahong ito, lahat ng User ay dapat naninirahan sa Pilipinas. Kinakatawan at
pinatutunayan ninyo na kayo ay hindi bababa sa 18 taong gulang, naninirahan kayo sa Pilipinas at ang
anumang impormasyon sa pagpaparehistro na inyong isusumite ay tumpak at totoo. Ang Leapcure ay
maaaring, sa sarili nitong pagpapasya, tumangging magbigay ng akses sa o paggamit ng Site sa sinumang
tao o nilalang (entity) at baguhin ang pamantayan sa pagiging karapat-dapat nito anumang oras.
Pagsunod: Sumasang-ayon kayong sumunod sa lahat ng lokal na batas tungkol sa online na pag-uugali at
katanggap-tanggap na nilalaman. Bilang karagdagan, dapat kayong sumunod sa aming mga patakaran
tulad ng nakasaad sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito pati na rin ang lahat ng iba pang ipinatutupad na
mga kautusan, patakaran at pamamaraan na maaaring mailathala pana-panahon sa Site ng Leapcure, na
ang bawat isa ay isinama dito sa pamamagitan ng reference at bawat isa ay maaaring gawing
napapanahon ng Leapcure paminsan-minsan sa pamamagitan ng pag-post ng naturang mga update sa
Site.
Pagsasagawa ng Pamamahala ng Ahensya: Pumapayag kayong magsagawa ng Pamamahala ng Ahensya
(Agency Management) sa Site kung sa tingin ninyo ay kinakailangan at naaangkop. Pumapayag kayo na
walang sinuman sa inyo o sa inyong organisasyon o ikatlong partido na nakikipagnegosyo sa inyo ay dapat
maghangad na papanagutin ang Leapcure, o sinumang opisyal, direktor, empleyado, shareholder,
kinatawan o ahente ng Leapcure (sama-sama, “Mga Kinatawan”), para sa anuman pagkawala, pinsala, o
anumang uri ng paghahabol (claims) dahil sa inyong pagsasagawa ng Pamamahala ng Ahensya sa Site.
Password: Kung gumawa kayo ng account, dapat ninyong pag-ingatan ang inyong password. Kayo ay
ganap na responsable para sa lahat ng gawain, pananagutan at pinsala na nagreresulta mula sa inyong
pagkabigo na ingatan ang pagkakumpidensyal ng password. Pumapayag kayo na agad ipaalam sa
Leapcure ang anumang hindi awtorisadong paggamit ng inyong account o password o anumang paglabag
sa seguridad. Pumapayag din kayo na hindi maaaring at hindi mananagot ang Leapcure para sa anumang
pagkawala o pinsalang dulot ng inyong pagkabigo na panatilihing ligtas (secure) ang inyong password.
Limitadong Lisensya: Binibigyan kayo ng Leapcure ng personal, limitado, hindi eksklusibo, mababawi at
hindi-naililipat na lisensya para magamit at ma-akses ang Site alinsunod sa mga kinakailangan at
paghihigpit na nakasaad sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito. Sa sarili nitong pagpapasya, maaaring
baguhin, suspindihin o ihinto ng Leapcure ang anumang aspeto ng Site sa anumang oras. Maaari rin
kaming magpataw ng mga limitasyon sa ilang mga serbisyo o paghigpitan ang pag-akses sa lahat o ilang
partikular na bahagi ng Site, nang walang paunang abiso o pananagutan sa inyo o sa alinmang ikatlong
partido.
Paglipat ng Account: Ang inyong limitadong lisensya para gamitin ang Site ay personal sa inyo. Maaaring
hindi ninyo bigyang daan ang pag-akses, paglilipat o pagbenta ng inyong Leapcure account o User ID sa
ibang partido. Karapatang Tanggihan ang Serbisyo: Ang aming mga serbisyo ay hindi magagamit ng
suspendido pansamantala o walang katiyakan na mga User. May karapatan ang Leapcure, sa aming
sariling pagpapasya, na kanselahin ang hindi kumpirmado o hindi aktibong mga account. Nasa Leapcure
ang karapatang tumanggi, suspindihin o wakasan ang serbisyo sa sinuman, sa anumang dahilan, anumang
oras.
2. Pagtatatwa (Disclaimer)
HINDI KAYO DAPAT UMASA SA IMPORMASYON NA IBINIBIGAY SA SITE BILANG KAPALIT SA, NI HINDI
NITO PINAPALITAN, ANG ANUMANG PROPESYONAL NA PAYONG MEDIKAL, DAYAGNOSIS O
PAGGAMOT. HINIHIMOK KAYO NA HUMINGI NG PROPESYONAL NA MEDIKAL NA DAYAGNOSIS AT
PAGGAMOT PARA SA ANUMANG MEDIKAL NA KONDISYON, AT TALAKAYIN ANG IMPORMASYON MULA
SA SITE SA INYONG TAGAPAGBIGAY NG PANGANGALAGANG PANGKALUSUGAN. ANG
IMPORMASYONG IBINIBIGAY SA SITE AY INILAAN PARA SA MGA LAYUNIN NG PAGBIBIGAY NG
IMPORMASYON AT HINDI SA ANUMANG PARAAN SINADYA PARA PAMALIT SA PAGKONSULTA SA
ISANG MEDIKAL NA PROPESYONAL, HUWAG BALEWALAIN, IWASAN O ANTALAHIN ANG PAGKUHA NG
MEDIKAL NA PAYO MULA SA ISANG PROPESYONAL SA PANGKALUSUGANG PANGANGALAGA DAHIL
SA MAAARING NABASA NINYO SA SITE. HUWAG GAMITIN ANG SITE PARA SA EMERHENSIYANG
MEDIKAL NA MGA PANGANGAILANGAN. ANG INYONG PAGGAMIT NG IMPORMASYON NA IBINIGAY SA
SITE AY TANGING SA INYONG SARILING PANGANIB. WALANG NAKASAAD O NA-POST SA SITE O
AVAILABLE SA PAMAMAGITAN NG ANUMANG MGA SERBISYO ANG NAGLALAYON NA MAGING, AT
HINDI DAPAT ITURING NA MAGING, KASANAYAN SA MEDISINA O ANG PROBISYON NG MEDIKAL NA
PANGANGALAGA. ANG MGA RESULTA NA NATIPON MULA SA AMING DATABASE AY HINDI, AT HINDI
DAPAT ITURING BILANG, MEDIKAL NA PAYO. HINDI KAMI NAGREREKOMENDA O NAG-EENDORSO NG
ANUMANG TIYAK NA MGA PAGSUSURI, MGA PAG-AARAL, MGA PROTOKOL, MGA PAGGAMOT, MGA
MANGGAGAMOT, MGA PAMAMARAAN, MGA OPINYON, MGA PRODUKTO O IBA PANG IMPORMASYON
NA MAAARING LUMABAS SA SITE NA ITO O SA MGA LINK NA NAAABOT SA PAMAMAGITAN NG SITE.
Kung umaasa kayo sa alinman sa impormasyong ibinigay ng Site, gagawin ninyo ito sa inyong sariling
pagbabakasakali. Dahil sa patuloy na pagsulong ng kaalamang medikal at pagkakaiba-iba ng opinyon sa
mga medikal na awtoridad, pinapayuhan kayong kumpirmahin ang impormasyon sa Site sa inyong
tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Wala kaming kontrol sa, at hindi magagarantiyahan ang
pagkakaroon ng anumang klinikal na pagsubok sa anumang partikular na oras. Hindi kami mananagot para
sa nakanselang klinikal na mga pagsubok o sa inyong kawalan ng kakayahan na lumahok sa mga klinikal
na pagsubok o anumang pinsalang dulot doon. Ang mga pag-aaral na ipinakita sa Site ay maaaring hindi
maaprubahan ng institutional review board ng kasaling medikal na center, maaaring kanselahin, o
maaaring hindi magpatala ng mga pasyente.
Walang Garantiya: Hindi ginagarantiyahan ng Leapcure ang tuluy-tuloy, walang patid na akses sa Site, at
ang operasyon ng Site ay maaaring panghimasukan ng maraming kadahilanan na hindi namin kontrolado.
Nasa amin ang karapatan sa anumang oras at paminsan-minsan na baguhin o ihinto, pansamantala o
permanente, ang Site, o anumang bahagi nito, nang may o walang abiso. Ang Site ay sasailalim din sa
pana-panahong naka-iskedyul at hindi naka-iskedyul na pagmamantini. Ang Site ay maaaring may mga
typographical error o mga kamalian at maaaring hindi kumpleto o nasasapanahon. Nasa amin ang
karapatan na itama ang anumang naturang mga pagkakamali, kamalian, o pagkukulang at baguhin o i-
update ang impormasyon anumang oras nang walang paunang abiso, kahit na matapos maproseso o
matanggap ang isang charge.
3. Mga Ipinagbabawal, Kaduda-duda at Lumalabag na Mga Bagay at Gawain
Kayo ang tanging may pananagutan para sa inyong pag-uugali at mga gawain sa at patungkol sa Site at
anuman at lahat ng datos, teksto, impormasyon, mga username, mga grapiko, mga larawan (images), mga
litrato, mga profile, audio, video, mga item, at mga link (sama-sama, "Nilalaman (Content)”) na inyong
isinumite, ipinost, at idinisplay sa Site. Hindi namin ineendorso ang Content na isinumite sa Site, o anumang
opinyon, rekomendasyon o payo na ipinahahayag ng mga User. Ang inyong Content ay hindi dapat
maglaman ng materyal na lumalabag sa mga karapatan sa intelektwal na ari-arian (intellectual property
rights) ng iba, kabilang pero hindi limitado sa copyright, trademark, patent, o mga karapatan sa trade
secret. Malinaw naming itinatanggi ang anuman at lahat ng pananagutan kaugnay ng Content na isinumite
ng mga User. Mga Pinaghihigpitang Aktibidad: Ang inyong Content at ang inyong paggamit ng Site ay
hindi dapat:
Maging mali, hindi tumpak o mapanlinlang (misleading);
Maging mapandaya (fraudulent);
Lumalabag (Infringe) sa karapatan sa copyright, patent, trademark, trade secret o iba pang propretaryo o
intelektwal na mga karapatan sa pagmamay-ari o mga karapatan ng publisidad o pagkapribado ng
anumang ikatlong partido; Sumusuway sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito, anumang patakaran sa Site o
mga alituntunin ng komunidad, o anumang ipinaiiral na batas, kautusan, ordinansa o regulasyon;
Maging mapanglait (defamatory), mapanirang-puri, labag sa batas na nagbabanta ng pananakot, labag sa
batas na panggigipit, magpanggap o manakot ng sinumang tao (kabilang ang mga kawani ng Leapcure o
iba pang mga User), o maling magsabi o kung hindi man ay mali ang inyong pagkakakilanlan o kaugnayan
sa sinumang tao;
Maging malaswa o naglalaman ng pornograpiya;
Maglaman o maghatid ng anumang code na makakapahamak ang uri na maaaring makasira, sagabal na
makapinsala sa, palihim na humadlang o mangamkam ng anumang sistema, datos o personal na
impormasyon;
Baguhin, iakma o walang pasubaling pasukin (hack) ang Site o baguhin ang isa pang website upang maling
ipahiwatig na nauugnay ito sa Leapcure; o
Palabasing may pananagutan ang Leapcure o magdulot sa Leapcure na mawalan (sa kabuuan o bahagi) ng
mga serbisyo ng aming mga ISP o iba pang mga supplier.
Maaaring, sa sarili nitong pagpapasya, alisin o tanggalin ng Leapcure ang anumang Content na lumalabag
sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito o sa tingin namin ay maaaring tutulan. 4. Mga Pagsusumite ng Ideya
Isinasaalang-alang ng Leapcure ang anumang mga mungkahi, mga ideya, mga panukala o iba pang
materyal na isinusumite dito ng mga User sa pamamagitan ng Site o kung hindi man (natipon, ang "Mga
Pagsusumite ng Ideya") na maging hindi-kumpidensyal at hindi-pansarili, at hindi mananagot ang Leapcure
para sa pagbubunyag o paggamit ng naturang mga Pagsusumite ng Ideya. Kung, sa aming kahilingan, ang
sinumang User ay magpadala ng Pagsusumite ng Ideya upang i-market o pahusayin ang Site (halimbawa
sa pamamagitan ng mga forum, mga komento o suporta sa mamimili), isasaalang-alang din ng Leapcure na
ang Pagsusumite ng Ideya ay maging hindi-kumpidensyal at hindi-pansarili at ang Leapcure ay hindi
mananagot para sa paggamit o pagsisiwalat ng anumang Pagsusumite ng Ideya. Sa pamamagitan nito,
binibigyan ninyo ang Leapcure ng isang hindi-eksklusibo, pandaigdigan, walang hanggan, hindi mababawi,
walang-bayad-na-royalty at hindi maililipat na karapatang magparami, gumamit, magpakita, magsagawa,
mamahagi, lumikha ng mga gawang hinango (derivative works) mula sa Pagsusumite ng Ideya at kung
hindi man ay pagsamantalahan ito para sa anupamang layunin, komersyal o kung hindi man, nang walang
kabayaran o pagkakautang sa inyo at nang walang karagdagang pagtulong sa inyo.
5. Pagkontrol ng Impormasyon
Katumpakan ng Impormasyon: Maging maingat at gamitin ang sentido komun kapag ginagamit ang Site.
Ang Leapcure ay hindi gumagawa ng mga representasyon o mga kautusan tungkol sa katotohanan,
katumpakan, pagkakumpleto, pagiging maagap o pagiging maaasahan ng anumang impormasyon sa Site.
Sa pamamagitan ng paggamit ng Site, sumasang-ayon kayong tanggapin ang mga panganib ng paggamit
ng Site at higit pang sumasang-ayon na walang pananagutan ang Leapcure o ang aming mga Kinatawan
para sa lahat o anumang mga kilos o mga di-naisama (omissions) ng mga User sa Site. Iba Pang Mga
Mapagkukunan: Ang Leapcure ay walang pananagutan para sa pagkakaroon ng mga panlabas na website
o resources na kaugnay sa o binabanggit sa Site. Ang Leapcure ay hindi nag-eendorso at hindi
responsable o mananagot para sa anumang nilalaman, patalastas, mga produkto, o iba pang mga materyal
sa o makukuha mula sa naturang mga website o resources. Sumasang-ayon kayo na hindi responsable o
hindi mananagot ang Leapcure, nang direkta o hindi direkta, para sa anumang pinsala o pagkawala na
dulot o di-umano'y sanhi ng o may kaugnayan sa paggamit ng o pagtitiwala sa anumang naturang mga
nilalaman, mga kalakal o mga serbisyo na makukuha sa o sa pamamagitan ng anumang naturang mga
website o resources. Ang pag-akses sa mga website ng ikatlong partido mula sa Site ay ginagawa sa
inyong sariling pagbabakasakali.
6. Ang Aming Intelektwal na Pagmamay-ari
Ang "Leapcure" at iba pang Leapcure na graphics, mga logo, mga disenyo, page headers, button icons,
scripts, at mga pangalan ng serbisyo ay mga trademark, trade name at/o trade dress ng Leapcure, Inc. sa
U.S. Ang "anyo (look)" at "dating (feel)" ng Site (kabilang ang mga kumbinasyon ng kulay, mga hugis ng
button, layout, disenyo at lahat ng graphical na elemento) ay protektado ng batas sa copyright at
trademark ng U.S. Hindi ninyo maaaring gamitin ang aming mga trademark at trade dress para sa anumang
layunin, kabilang ang bilang bahagi ng mga trademark at/o bilang bahagi ng mga domain name o email
addresses, may kaugnayan sa anumang produkto o serbisyo sa anumang paraan na malamang na
magdulot ng kalituhan.
7. Akses at Panghihimasok (Interference)
Sumasang-ayon kayo na hindi kayo gagamit ng anumang robot, spider, scraper o iba pang awtomatikong
paraan upang ma-akses ang Leapcure para sa anupamang layunin, maliban sa lawak na hayagang
pinahihintulutan ng at bilang pagsunod sa mga Tuntunin ng Paggamit na ito. Bukod pa rito, sumasang-ayon
kayo na hindi kayo:
Gagawa ng anumang aksyon na nagpapataw, o maaaring magpataw, sa aming sariling pagpapasya, ng
hindi makatwiran o hindi proporsyonal na malaking pagkarga sa aming elektronikong imprastraktura;
Kopyahin, padamihin ang kopya, baguhin, lumikha ng derivative works mula sa, ipamahagi o ipakita sa
publiko ang anumang Leapcure Content maliban sa lawak na hayagang pinahihintulutan ng at bilang
pagsunod sa mga Tuntunin ng Paggamit;
Pakialaman o magtangkang panghimasukan ang tamang paggana ng Site o anumang gawain na
isinasagawa sa Site;
Subukang siyasatin (probe), i-scan o subukan ang kahinaan ng anumang mga sistema o networks ng
Leapcure o lumabag sa seguridad o mga panukalang pagpapatunay (authentication measures) nang
walang tamang awtorisasyon; o Salungatin ang pagkakabalangkas (Reverse engineer), gumawa ng bagong
code mula sa sistema nito (decompile) o kalasin (disassemble) ang alinman sa software na ginamit upang
ibigay ang Site.
8. Paglabag (Breach)
Nang walang limitasyon sa anumang iba pang mga remedyo, ang Leapcure ay maaaring, nang walang
abiso, at nang hindi nagbabalik ng anumang ibinayad, antalahin o agad tanggalin ang Content, warningan
ang aming komunidad tungkol sa mga aksyon ng isang User, magbigay ng babala sa isang User,
pansamantalang suspindihin ang isang User, pansamantala o walang katiyakang panahon na suspindihin
ang mga pribilehiyo ng account ng User, wakasan ang account ng isang User, bawalan ang pag-akses sa
Site, at gumawa ng mga teknikal at legal na hakbang upang panatilihing wala sa Site ang isang User at
tumangging bigyan ng mga serbisyo ang isang User kung alinman sa mga sumusunod ang naaangkop:
Naghihinala o nalalaman ng Leapcure na (sa pamamagitan ng impormasyon, imbestigasyon, paghatol, pag-
areglo, insurance o escrow na imbestigasyon, o kung hindi man) ang isang User ay lumabag sa mga
Tuntunin ng Paggamit na ito, sa Patakaran sa Pagkapribado o iba pang mga patakaran ng Leapcure at mga
alituntunin ng komunidad na kasama rito; Hindi ma-verify o ma-authenticate ng Leapcure ang alinman sa
inyong personal na impormasyon; o naniniwala ang Leapcure na ang isang User ay kumikilos nang hindi
naaayon sa sulat o diwa ng aming mga patakaran, ay nasasangkot sa mali o mapanlinlang na gawain na
may kaugnayan sa Leapcure o ang mga aksyon ay maaaring magdulot ng legal na pananagutan o
pagkawala ng pananalapi sa ibang mga User o sa Leapcure.
9. Pagkapribado
Ang aming Patakaran sa Pagkapribado, na sinususugan paminsan-minsan, ay isinasama sa mga Tuntunin
ng Paggamit na ito sa pamamagitan ng reference.
10. Walang Garantiya
SUMASANG-AYON ANG USER NA WALANG GARANTIYA O PANGAKO (WARRANTY) NG ANUMANG URI
ANG LEAPCURE, KABILANG ANG ANUMANG IPINAHIWATIG NA PANGAKO NG KALAKALAN O
PAGKAMARAPAT PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, KUNG PAG-UUSAPAN ANG TUNGKOL SA
SITE, PAMAMAHALA NG AHENSIYA, AT MGA SERBISYO NA IBINIBIGAY NITO. SUMASANG-AYON ANG
USER NA ANG DATOS NG PAMAMAHALA NG AHENSIYA NA NAKATAGO SA SITE AY MAAARING HINDI
MAGAGAMIT NG USER O NG MGA IKATLONG PARTIDO SA LAHAT NG ORAS DAHIL SA MGA PAGPALYA
NG SISTEMA, MGA PAMAMARAAN NG BACKUP, PAGMAMANTINI AT/O IBA PANG DAHILAN NA
MAAARING LABAS SA KONTROL NG Leapcure. NI ANG SITE O ANG MGA SERBISYO AY HINDI TUNAY
NA WALANG PALYA (FOOLPROOF) AT MAAARING MAKARANAS NG MGA PAGPALYA NG
TRANSMISYON NG SIGNAL O MGA PAGKAKAANTALA PARA SA ANUMANG BILANG NG MGA
KADAHILANAN NA LABAS SA KONTROL NG Leapcure. IBINIGAY NG Leapcure ANG SITE AT MGA
SERBISYO, DATOS, IMPORMASYON, AT MGA KASANGKAPAN (TOOLS) SA PAMAMAGITAN NG SITE "AS
IS" AT "BILANG AVAILABLE", WALANG ANUMANG PANGAKO O KONDISYON, PAHAYAG, IPINAHIWATIG
O AYON SA BATAS (STATUTORY). ANG LEAPCURE AT MGA KINAKATAWAN NG LEAPCURE AY
ISPESIPIKONG TINATANGGIHAN ANG ANUMANG IPINAHIWATIG NA MGA PANGAKO NG TITULO,
KALAKALAN, PAGGANAP, PAGKAMARAPAT PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN AT HINDI
PAGLABAG. BILANG KARAGDAGAN, WALANG PAYO O IMPORMASYON (IPINAHAYAG O ISINULAT) NA
NAKUHA NINYO MULA SA Leapcure ANG LILIKHA NG ANUMANG PANGAKO. NAKASALALAY SA
INYONG SARILI LAMANG ANG PELIGRO NG PAGGAMIT NG SITE. Ang Leapcure AY HINDI NANGANGAKO
NA KAYO AY MAKAKA-AKSES O MAGAGAMIT ANG SITE SA MGA PANAHON O LOKASYON NA INYONG
PINILI; NA MAGKAROON KAYO NG AKSES SA INTERNET, MALAKAS NA BATERYA, MALAKAS NA
ELEKTRISIDAD SA PANAHON O LUGAR KUNG SAAN SINUSUBUKAN NINYONG MAAKSES ANG SITE; NA
ANG SITE AY HINDI MAAANTALA O WALANG MALI; NA ANG MGA DEPEKTO AY MAITATAMA; O NA ANG
SITE AY LIBRE SA MGA KAMALIAN, MALING PAGPAPALAGAY NG MGA USER, MGA VIRUS, O IBA PANG
NAKAKASAMANG BAHAGI.
11. Limitasyon ng Pananagutan; Kasunduan na Hindi Magdemanda
ANG LEAPCURE AT (BILANG AT SA NAAANGKOP NA BUONG SAKOP) MGA KINAKATAWAN NG
LEAPCURE AY HINDI MANANAGOT SA USER PARA SA HINDI DIREKTA, INSIDENTAL, NAGING RESULTA
(CONSEQUENTIAL), ESPESYAL, NAGPAPARUSA (PUNITIVE) O BUKOD-TANGING (EXEMPLARY) MGA
PINSALA (KAHIT NA ANG LEAPCURE AY PINAYUHAN SA POSIBILIDAD NG NATURANG MGA PINSALA),
NA MAGMUMULA SA UGNAYAN NG LEAPCURE AT NG USER, ANG PAGLABAG SA MGA TUNTUNIN NG
PAGGAMIT NA ITO, O MAGMUMULA SA ANUMANG IBA PANG PROBISYON NITONG MGA TUNTUNIN NG
PAGGAMIT, KABILANG ANG MGA PINSALA PARA SA PERSONAL NA PINSALA O MGA PINSALA SA ARI-
ARIAN (SAMA SAMA, "ITINANGGING MGA PINSALA"). KAYO DITO AY NAGPAPAKAWALA, TINATALIKDAN
(WAIVE), PINALALABAS (DISCHARGE) AT NANGANGAKO NA HINDI MAGDEDEMANDA O GUMAWA NG
ANUMANG PAGHAHABOL (CLAIM) NG KAHIT ANONG URI LABAN SA LEAPCURE PARA SA PAGKAWALA,
PAGKASIRA (DAMAGE), O PAGKAPINSALA (INJURY) NA NAUUGNAY SA ANUMANG PARAAN SA SITE, SA
INYONG PAGSASAGAWA NG PAMAMAHALA NG AHENSYA O MGA SERBISYONG IBINIBIGAY NG
LEAPCURE. HINDI KAILANMAN SA ILALIM NG KAHIT ANUMANG PANGYAYARI NA TATANGKAIN
NINYONG PAPANAGUTIN ANG LEAPCURE PARA SA ANUMANG ITINANGGING MGA PINSALA
(DISCLAIMED DAMAGES). KUNG, SA KABILA NG MGA PROBISYON SA TALATA 11 NA ITO, ANG
LEAPCURE AY NATAGPUANG MAY PANANAGUTAN PARA SA PAGKALUGI, PAGKASIRA O PINSALA SA
ILALIM NG ANUMANG LEGAL NA TEORYANG KAUGNAY SA ANUMANG PARAAN SA SITE, SA INYONG
PAMAMAHALA NG AHENSYA O MGA SERBISYONG IBINIGAY NG LEAPCURE, ANG PANANAGUTAN NG
LEAPCURE SA INYO AT SA INYONG ARI-ARIAN AY LIMITADO SA HALAGA NG MGA BAYAD NATANGGAP
NG LEAPCURE NA MAIPAPALAGAY SA NATURANG USER SA ANIM (6) NA BUWAN BAGO ANG
PAGKILOS O PAGHAHABOL NA NAGBUNGA SA PANANAGOT O $500, KUNG ALINMAN ANG MAS
MALAKI.
12. Bayad Pinsala (Indemnity)
Ang user ay dapat magbayad ng danyos, idepensa, at panghawakan ang Leapcure at ang mga Kinatawan
nito na walang kasiraan mula sa at laban sa anuman at lahat ng mga pananagutan, mga obligasyon, mga
pagkalugi, mga pinsala, mga multa, mga paghahabol, mga aksyon, mga paghahabla, mga bayad at gastos
(kabilang ang mga bayad sa abogado) na ipinapataw sa, o napapala o itinataguyod ng o iginigiit laban sa
Leapcure ng sinumang tao o mga tao kahit ano pa man, batay sa o nagmumula sa naturang pagsuway o
paglabag ng User sa anumang copyright, trade name, trademark o patent (o anumang aplikasyon ng
nabanggit). Walang limitasyon sa pananagutan ng User na nasasaad sa anumang iba pang sulat ang
magkakabisa o epektibo laban sa Leapcure.
13. Ang Inyong Legal na Pagsunod
Susunod kayo sa lahat ng naaangkop na batas, mga kautusan (statutes), mga ordinansa at mga regulasyon
tungkol sa inyong paggamit sa Site at anumang serbisyo ng Leapcure.
14. Pagkakahiwalay (Severability)
Ang kawalan ng bisa (Invalidity) o hindi maaaring pagpapatupad (unenforceability) ng anumang bahagi o
probisyon ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito ay hindi makakaapekto sa bisa o pagpapatupad ng
anumang iba pang bahagi o probisyon ng Mga Tuntunin ng Paggamit. Anumang kawalan ng bisa o hindi
maipapatupad na bahagi o probisyon ay dapat ituring na naputol mula sa Mga Tuntunin ng Paggamit at
ang natitira sa Mga Tuntunin ng Paggamit ay dapat ipakahulugan at ipapatupad na parang ang Mga
Tuntunin ng Paggamit ay hindi naglalaman ng naturang di-wasto o hindi maipapatupad na bahagi o
probisyon.
15. Walang Ahensya
Walang ahensya, pagkakasosyo (partnership), pagsasanib sa negosyo (joint venture), empleyado-amo o
may-ari ng prangkisa-kumuha ng prangkisa na relasyon ang nilalayon o nililikha ng Mga Tuntunin ng
Paggamit na ito.
16. Serbisyo ng Leapcure.
Nasa Leapcure ang karapatang baguhin o wakasan ang serbisyo ng Leapcure para sa anumang
kadahilanan, nang walang abiso, sa anumang oras. Nasa Leapcure ang karapatan na baguhin ang Mga
Tuntunin ng Paggamit na ito o iba pang mga patakaran ng Site anumang oras, kaya pakirebyu ang mga
patakaran nang madalas. Kung gumawa ng materyal na pagbabago ang Leapcure, aabisuhan namin kayo
dito, sa pamamagitan ng email, sa pamamagitan ng isang paunawa (notice) sa aming home page, o iba
pang mga lugar na itinuturing na angkop ng Leapcure. Kung ano ang bumubuo ng "materyal na
pagbabago" ay matutukoy sa aming sariling pagpapasya, nang buong tiwala.
17. Pagpapatuloy (Survival)
Seksyon 2 (Pagtatatwa (Disclaimer)), Seksyon 4 (Pagsusumite ng Ideya), Seksyon 5 (Pagkontrol ng
Impormasyon), Seksyon 6 (Aming Intelektwal na Pagmamay-ari), Seksyon 7 (Pag-akses at Panghihimasok
(Interference)), Seksyon 8 (Paglabag (Breach)), Seksyon 9 (Pagkapribado), Seksyon 10 (Walang Garantiya),
Seksyon 11 (Limit sa Pananagutan; Kasunduan na Hindi Magdemanda), Seksyon 12 (Bayad Pinsala
(Indemnity)), Seksyon 14 (Pagkakahiwalay (Severability), Seksyon 15 (Walang Ahensya), Seksyon 17
(Ipinatutupad na Batas), at itong Seksyon 19 (Pagpapatuloy (Survival)) ay makakaligtas sa anumang
pagwawakas o pagkawala ng bisa ng Mga Tuntunin ng Paggamit na ito at anumang terminasyon,
pagsususpinde, pagkawala ng bisa o pagkansela ng inyong account sa Leapcure.
18. Mga Paunawa (Notices)
Maliban kung hayagang nakasaad sa Mga Tuntunin ng Paggamit na ito, anumang notices na ipapadala mo
sa Leapcure ay ibibigay sa pamamagitan ng e-mail sa [info@leapcure.com]. Sumasang-ayon kayong
tanggapin ang electronic notices na ipinadala sa inyo sa email address na inyong ibinigay sa Leapcure sa
panahon ng proseso ng pagpaparehistro, o kung ina-update nyo ito paminsan-minsan, o kung hindi man ay
gaya ng maaaring ibigay sa pamamagitan ng Site. Ang notice ay dapat ituring na ibinigay 24 na oras
pagkatapos ipadala ang email, maliban kung ang nagpapadalang partido ay naabisuhan na ang email
address ay hindi wasto. Kung bawiin nyo ang inyong pahintulot na makatanggap ng mga komunikasyon sa
elektronikong paraan, maaaring wakasan ng Leapcure ang inyong karapatang gamitin ang Site.
19. Mga Tuntunin sa Pagbibigay Tagubilin (Controlling Terms)
Ang mga Tuntunin ng Paggamit na ito at ang mga karagdagang tuntunin at mga kundisyon at patakarang
binabanggit dito ay kumakatawan sa kumpletong kasunduan at pagkakaunawaan na may kinalaman sa
paksa ng mga Tuntunin ng Paggamit na ito. Ang iba o karagdagang mga tuntunin o kundisyon sa anumang
nauna o kasunod na komunikasyon (sa email man o anumang iba pang anyo ng komunikasyon) ay hindi
dapat magdagdag, magbago, o kung hindi man ay magpapabago sa mga tuntunin at kundisyon ng mga
Tuntunin ng Paggamit na ito.